Turismo sa Naga at Camarines Sur bumabalik na ang sigla-DOT Bicol

NAGA CITY – Bukas na bukas na ang turismo ng Bicol Region at maganda na ang tourist arrival maging mga aktibidad ng bawat probinsya lalo na ang Camarines Sur at ang lungsod ng Naga.

Ayon kay Department of Tourism, Regional Director Herbie Aguas, ang Camarines Sur at ang Naga City isa sa dapat na bisitahin o puntahan ng mga turista lalo na ngayong tag-init.

Bukod sa mga bagong tourist destination na umu-usbong kagaya sa Siruma, malalaki at malalawak na resorts, tuloy na rin ang mga festival tulad ng kakatapos palang na Tinagba Festival sa Iriga City, pagganap ng Survivor sa Caramoan at marami pang iba. Dinarayo rin ang Tinawagan Hills sa Baao.

Ayon pa sa opisyal marami na ring foreign tourist ang pumupunta at masigla na rin pasok sa mga accommodations sa Naga.  

Inaasahan din ang pagdagsa ng mga turista sa mga resorts at falls sa upper barangay ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *