Turismo sa Naga City ngayong taon,  posibleng mas mataas kumpara noong 2022

NAGA CITY –  Inaasahan ng Naga City Tourism Office na posibleng mas mataas ang turismo ngayong taon sa lungsod kumpara noong 2022 dahil na rin sa halos 1.3 milyong deboto ang dumating sa nagdaang Peñafrancia Fluvial Procession.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Anne Marajas, Tourism Marketing and Promotions Officer ng nasabing opisina, wala pang naibibigay na eksaktong impormasyon ang ibang ahensiya subalit base sa kanilang obserbasyon, malaki ang naging tulong ng programang Naga Perks na nilunsad ng Investment and Trade Promotion Office sa turismo ng lungsod.

Sa ngayon, hinihintay pa ng opisina ang mga datos ng iba pang ahensiya at ang pagtatapos ng programang Naga Perks sa Setyembre 30 upang magkaroon ng final at  over-all assessment sa turismo ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *