Turkey at Syria, muling niyanig ng M 6.4 na lindol ngayong Martes

MULING binulabog ng malakas na lindol ang Turkey at Syria ngayong madaling araw ng Martes, dalawang linggo matapos ang malakas at ‘disastrous’ na M 7.8 na lindol sa dalawang nasabing mga bansa.

Hindi pa man lubusang nakakabangon, isang M 6.4 na lindol ang muling yumanig sa Turkey at Syria border region kaninang ala 1:00 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Batay sa U.S Geological Survey, na track ang epicenter ng pagyanig sa Southern City ng Samandag sa Hatay province.

Habang isinusulat ang balitang ito ay iniulat ng Turkish government na tatlo ang iniwang casualties at mahigit 200 ang sugatan sa pinaka bagong insidente ng lindol sa Turkey habang nasa 130 naman ang nasaktan sa Syria.

Samantala, umabot na rin sa halos 47,000 ang death toll ng nangyaring M 7.8 na lindol sa dalawang nasabing bansa nitong Pebrero 6.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *