Nagkaroon na ng turn over ceremony sa bagong pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Pinangunahan ni Dir. Tomas Lahom ang pag-abot ng SBMA Flag kay Chairman & Administrator Jonathan Dioso Tan kaninang umaga sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.
Mahigit isang linggo na mula nang dumating si Tan sa SBFZ at nagsimula sa kanyang trabaho bilang CHAD matapos ang appointment ng Malakanyang.
Matatandaan na si Tan ang pumalit kay dating CHAD Rolen Paulino Sr., matapos itong maghain ng courtesy resignation.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
