Turn-over ng ICT gadgets sa mga student leaders sa lambak ng Cagayan, Isinagawa

Isinagawa ang turn-over ng mga ICT gadgets sa mga student leaders sa Lambak ng Cagayan na pinangunahan ni DepEd Undersecretary Alain Del Pascua at Youth Formation Division Chief Adolf Aguilar sa Dupax Del Norte Central School, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, tinanggap ni OIC Assistant Regional Director Jessie Amin ng DepEd Region 2 ang mga ICT gadgets na nakatakdang ipamahagi sa mga Supreme Student Government (SSG), Supreme Pupil Government (SPG) at kanilang mga Teacher-Advisers mula sa 9 na division sa rehiyon.

Natanggap din ng SDO Isabela ang 4 na tablets habang kasabay naman nito ang turn-over ng mga cellphone at laptop sa mga mag-aaral ng Lepanto Elementary School-Talaca Annex.

Ang naturang programa ay resulta ng partnership ng DepEd, Bureau of Customs (BOC) at Embassy of the People’s Republic of China na siyang pinagmulan ng nasabing mga gadget.

Layunin ng pagbibigay ng ICT gadgets na tulungan ang mga student leaders sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto online.

Binigyang pagkilala rin ang mga natukoy na student leader na sumunod sa panuntunan ng Bureau of Learners Support Services-Youth Formation Division.

Kaugnay nito, kabilang sa kinilala ang SSG Federation President at Adviser ng Nagulian National High School maging ang SPG Federation President at adviser mula naman sa Aurora Central School.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *