Turnover ceremony para sa bagong regional director ng PNP Bicol, isinagawa kahapon

Isinagawa kahapon ang turnover ceremony para sa bagong regional director ng Philippine National Policw (PNP) Bicol na si PBGen. Westrimundo Obinque sa pangunguna ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. sa Camp Simeon Ola, Legazpi City.

Ito ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal at iba pa bang bisita upang tunghayan ang seremonya na isa na sa main traditions ng PNP.

Sa outgoing speech ni dating regional director PBGen. Rudolph Dimas, sinabi niyang isang malaking karangalan at gusto niyang magpasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya na magsilbi bilang 40th regional director ng PNP Bicol upang panatilihin ang katahimikan at kaligtasan ng rehiyon.

Sa ngayon siya ay mamumuno na sa Special Action Force (SAF).

Samantala, ayon naman sa bagong direktor, asahan umanong ipagpapatuloy niya ang maayos na serbisyo para sa ligtas at mapayapang komunidad ng rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *