TVJ, magsasampa ng kaso laban sa TAPE Inc

Inihayag ni TVJ Productions’ legal counsel Atty. Enrique Dela Cruz na kasalukuyan na nilang inihahandang magsampa ng kaso laban sa Television and Production Exponent (TAPE) Inc. matapos ang umano’y pag-access sa “Eat Bulaga” YouTube Channel.

Ikinabahala kasi ng kampo nila ang kamakailang pag-anunsyo ng TAPE na muli nilang na-access ang channel, na hindi aktibo mula noong umalis sa kumpanya sina Tito Sotto, Joey De Leon, Vic Sotto, at iba pang dating “Eat Bulaga” hosts noong Mayo.

Wala raw kasing access ang TAPE noon kaya laking gulat nila nang makuha agad nila ito, na naglalaman ng mga past episodes ng “Eat Bulaga.”

Depensa ng legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Abraham Garduque, hindi nila na-hack ang account at sinabing hindi sila mananagot sa cybercrime dahil nakipag-coordinate sila sa YouTube para baguhin ang email at password at ang bagong contact person sa ngalan ng kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *