U.S. nagpatupad ng sanctions sa N. Koreans at Russian, matapos ang missile tests

Nagpatupad ang United States ng sanctions sa anim na mga North Koreans, isang Russian at Russian firm na umano’y nasa likod ng pagbili ng goods mula sa Russia at China para sa weapons programs ng North Korea, isang hakbang na sinundan ng sunod-sunod na paglulunsad ng missiles ng North Korean, kabilang na ang dalawa simula noong nakaraang linggo.

Ayon sa U.S. Treasury, ang hakbang ay layuning mapigilan ang advancement ng North Korea’s weapons programs at maharangan ang kanilang tangka na maparami ang weapons technologies.

Ang sanctions ang kauna-unahang ipinatupad ng administrasyon ni Biden na nagtatarget sa weapons programs ng North Korea.

Kaugnay nito, sinabi ni U.S. State Department spokesman Ned Price na nananatiling committed ang Washington na ituloy ang diplomasya sa North Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *