UAAP: NU men tiyak na ang twice-to-beat bonus matapos talunin ang FEU

Nasungkit ng National University ang twice-to-beat na kalamangan sa Final Four matapos talunin ang Far Eastern University sa UAAP Season 85 men’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig.

Nasungkit ng Bulldogs ang kanilang ika-11 sunod na panalo at pinalawig din ang kanilang winning streak sa 29 na laro mula noong Season 81.

Masaya si NU head coach Dante Alinsunurin sa mgandang laro ng koponan at umaasang magtutuloy-tuloy ang kanilang panalo sa mga susunod na game.

Samantala, maghahangad naman ng panalo ang FEU sa laban teneo de Manila University sa Miyerkules.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *