Sinuspinde ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang tatlong referee sa loob lamang ng tatlong linggo, kasunod ng subpar performances sa tatlong magkahiwalay na men’s basketball games.
Sinabi ng Basketball Commissioner’s Office na ang pag-uugali, kilos, at aksyon ng mga referee, lalo na ang kanilang kabiguan na ipatupad ang mga patakaran sa laro, ay hindi nakakatugon sa mga pamantayan ng liga at nakagagambala sa integridad ng laro.
Magkahiwalay na nag-officiate ang mga sinuspinde na referees sa tatlong laro, kabilang rito ang laban ng UP sa FEU, laban ng Ateneo sa UE, at laban ng La Salle sa Adamson.
Ayon kay UAAP Season 86 basketball commissioner Xavier Nunag, sineseryoso nila ang responsibilidad na magbigay ng mga karampatang at propesyonal na referee sa liga, dahil napakahalaga na mapanatili ang mataas na antas ng integridad at kawastuhan.
Courtesy: UAAP