UAE nagtala ng unang kaso ng monkeypox

Nakapagtala na rin ng unang kaso ng Monkeypox ang United Arab Emirates.

Dahil dito,  ang UAE ang kauna-unahang Gulf state na nagkaroon ng  kaso ng Monkeypox.

Maliban sa UAE, nakapagtala na rin ng mga unang kaso ang Czech Republic at Slovenia.

Kaugnay nito,  ang  tatlong nasabing  mga bansa ang  nadagdag sa 18 iba pang mga bansa na unang nagtala ng mga kaso ng  Monkeypox.

Inaasahan namang tataas pa ang kaso ng nasabing  virus pero naniniwala  ang maraming experts  na nananatiling mababa ang overall risk  nito sa general population.

Leave a Reply

Your email address will not be published.