Udonis Haslem kinumpirma ang pagreretiro sa NBA

Kinumpirma ni Udonis Haslem ang kanyang pagreretiro sa NBA.

Matapos ang ilang taong pakikipagsabayan sa mga manlalaro sa torneo, sinabi niya ang planong magretiro sa pagtatapos ng season sa August 21.

Ang 42 gulang na si Haslem ay nanatili lamang sa isang koponan na Miami Hea, nakagawa ng dalawang conference finals appearances sa huling tatlong season kung saan niya nakuha ang tatlong kampeonato kasama sila Lebron James at Dwayne Wade.

Bilang isa sa mga alamat ng organisasyon, plano ng Heat na parangalan si Haslem sa huling ilang linggo ng season.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *