UFC, opisyal nang inanunsyo ang Covington vs. Masvidal

Nakatakdang magharap ang dalawang top welterweight mixed martial artists sa mundo sa UFC 272, matapos na tanggapin ni dating UFC interim welterweight champion Colby Covington ang hamon na makalaban si hard-hitting fan-favorite Jorge Masvidal sa March 6 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA.

Mababatid na sina Covington at Masvidal ay dating matalik na magkaibigan, hanggang sa nagsimulang siraan ng nauna ang huli na madalas pa nitong tawaging journeyman.

Si Covington, na may hawak na professional mixed arts record na 16-3, ay mula sa competitive unanimous decision loss sa kamay ni reigning UFC welterweight world champion Kamaru Usman noong Nobyembre.

Samantala, natalo naman ni Kamaru Usman si Jorge Masvidal sa highlight-reel KO para mapanatili ang UFC world title, habang si Masvidal ay nagtamo naman ng back-to-back losses kay Usman na ang huli ay ang highlight-reel knockout sa main event ng UFC 261 noong April 2021 sa Vystar Veterans Memorial Arena sa Florida, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.