Ugnayan ng Pilipinas at Estonia, mas pag-iigtingin pa ng isang digital cooperation treaty

Pinaghahandaan ng Pilipinas ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa isinusulong na digital cooperation kasama ang Estonia.

Kaugnay nito ay sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kay Estonian Prime Minister Kaja Kallas na kasalukuyang ginagawa ng bansa ang MOU, partikular na hinggil sa e-governance at cybersecurity.

Ani Uy, ang mungkahing MOU sa pagitan ng dalawang bansa ay magbibigay-daan para sa future agreements sa iba pang fields ng ICT; suporta sa digital transformation ng pamahalaan; at pagpapabuti ng cybersecurity posture ng bansa.

Ayon sa DICT, nagpakita naman ng interes si Kallas sa kasunduan, na siyang maglalatag ng framework para sa susunod pang collaborations ng Pilipinas at Estonia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *