UK COVID-19 variant posibleng dahilan sa pagtaas ng infections sa Tuguegarao City

Inihayag ng Deparment of Health na posibleng ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, ay dahil sa B.1.17 variant na unang nadetect sa United Kingdom.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, siyam katao ang nadetect ng Philippine Genome Center mula sa Tuguegarao City na mayroong B.1.17 variant.

Mula May 16, ang naturang lungsod ay mayroong 732 active cases, kung saan, patuloy rin na tumataas ang infections, na nagsimula noong katapusan ng Marso.

Dahil dito, sinabi ni Tuguegarao City health officer Dr. James Guzman na pinaigting na nila ang contact tracing at targeted testing para makatulong na mapigilan ang paglobo ng infection. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *