UK, nagtala ng 18,270 na bagong COVID-19 cases

Naitala ng United Kingdom ang 18,270 na bagong COVID-19 cases na pinakamataas mula pa noong February 5, at 23 na nasawi base sa huli nitong datos.

Patuloy na tumataas ang mga nagpopositibo sa Britain, pero ayon sa mga otoridad, dahil sa pinaigting na vaccination campaign ay tila naputol na ang link sa pagitan ng infections at deaths matapos lumabas na nasa 20 pababa na lang ang mga naitatalang daily fatalities.

Samantala, sa Spain naman ay pinaluwag na nito ang kanilang outdoor mask policy sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mahigit isang taon.

Sa Brazil naman ay naiulat ang 64,134 na bagong COVID-19 cases at 1,593 na bagong nasawi.

Inanunsyo naman ng Thailand ang mga bago nitong restriksyon sa Bangkok sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban nito sa pinakamatinding coronavirus outbreak na naranasan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *