UK PM Johnson aminadong nababahala sa COVID-19 surge dahil sa bagong variant

Aminado si UK Prime Minister Boris Johnson na labis na nangangamba ang kanyang gobyerno sa COVID-19 variant na unang na-detect sa India sa gitna ng pagdoble muli ng bilang ng infection sa nakalipas na linggo.

Sa kabila nito, sinabi ni Johnson na nananatili siyang optimistiko na matutuloy ang plano ng kanyang gobyerno na i-lift ang lahat ng legal limits sa social contact simula sa June 21 bagamat hindi nila inaalis ang posibilidad na maantala ang naunang plano.

Ayon sa report ng World Health Organization, maraming kaso ng Indian variant o mas kilalang B.1.617 ang naitala sa UK kumpara sa ibang mga bansa

Kahapon ay kinumpirma ng Public Health England na mula sa dating 520, naitala nila ang 1,313 na kaso ng naturang variant.

Kaugnay nito ay inihauag ng PHE na plano nilang magpatupad ng dagdag na control measures kabilang ang rapid testing and tracing partikular sa mga lugar na maraming naitalang kaso.

Sa Lunes ay nakatakda sanang ipatupad ang phase 2 ng plano nitong pag-lift sa mga restrictions kung saan papayagan na muli ang mga indoor dining.

Hindi pa malinaw kung itutuloy ito ng UK government dahil sa pag-iingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *