Ukraine Pres. Zelensky, umaasa ng ‘firm global response’ kaugnay sa war crime sa bansa

Umaasa si Ukraine President Volodymyr Zelensky ng firm global response sa war crime na nangyayari ngayon sa kanilang bansa.

Ito’y matapos ang missile attack sa isang train station sa Kramatorsk kung saan nasa 52-katao ang namatay kabilang ang dalawang bata na bahagi ng evacuation upang makaalis sa lugar kahapon.

Nanawagan si Zelensky ng mas maraming armas at mabigat na parusa sa Russia sa ginawa nilang pag-atake sa bansa kung saan nasa 4,000 na mga Ukrainian citizens ang umaasang makatakas araw-araw.

Samantala, kinondena naman ng Estados Unidos, European Union at Britain ang naturang insidente. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *