Ukraine-Russia war, posibleng tumagal pa ng ilang taon – NATO Chief

Inihayag ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Chief Jens Stoltenberg na posibleng tumagal pa ang Ukraine-Russia war ng ilang taon.

Kasabay ito ng panawagan sa mga Western countries na patuloy na magbigay ng long-term support sa Kyiv.

Ayon kay Stoltenberg, dapat umano tayong maging handa para dito kung saan hiniling niya ang malakas na suporta sa naturang bansa.

Samantala, nakipagkita si Ukrainian defense minister Oleksiy Reznikov at ilan pang opisyal sa ilang mga bansa sa NATO headquarters upang pag-usapan ang military aid ng mga ito sa kanila.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *