Iginiit ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi niya ibibigay ang kanilang teritoryo sa south kabilang ang karagatan nila sa iba.
Sa kanyang Telegram post, sinabi ni Zelensky na ibabalik niya ang lahat ng pagmamay-ari ng bansa.
Binisita naman ng naturang presidente ang mga frontline troops sa Black Sea city sa Mykolaiv kabilang ang Odessa region.
Samantala, sinabi niya na tiwala ang mga tropa at pulis doon na makakamit nila ang tagumpay laban sa Russia. (ARGIE ERGINA)