Umano’y lehitimong mga IDs, narekober sa mga dayuhan mula sa isang POGO hub raid

Narekober mula sa mga foreign workers ng ni-raid na POGO hub sa Pasay City ang mga authentic na Tax Identification Number (TIN) IDs.

Paliwanag ni Undersecretary Gilberto Cruz, nagulat sila nang malaman na nakapasok sa system ang mga BIR IDs nang ito ay i-check at i-verify.

Dahil dito, iniimbestigahan na umano nila kung paano nakapag-apply ang mga foreign nationals para makakuha ng TIN IDs, lalo pa’t ang pagpapagawa nito ay nangangailangan ng personal appearance sa mga BIR offices.

Maliban dito, sinabi rin ni PhilHealth Regional Vice President for the National Capital Region Bernadette Lico, na mayroon ding hawak na Philhealth employers number ang mga foreigners.

Giit ni Cruz, posibleng mayroon talagang fixer na kausap ang mga dayuhan.

Samantala, “very problematic” naman ang paglalarawan ni Senador Risa Hontiveros.

Aniya, sa pamamagitan ng IDs, nagiging lehitimo ang pananatili ng naturang mga dayuhan sa bansa; at nabibigyan pa ng Pilipinas ng identity ang mga pugante mula sa mga foreign countries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *