NAGA CITY – Walang katotohanan ang mga kumakalat ngayon sa Social Media na umano’y may limang armadong pugante na nanggagahasa ng mga kababaehan sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PMAJ. Michael Fortunado, Chief of Police ng Tinambac MPS. Nakabantay naman aniya ang otoridad.
Samantala, napag-alaman ng BNFM kay Councilor Jonas Soltes, Committee on Public Safety at Peace and Order sa naturang bayan, wala itong nalalaman na mayroong nangyayaring ganoong insidente sa Brgy. Antipolo, dahil doon mismo ito nakatira at araw-araw itong nag-iikot sa kanilang lugar. Nakausap niya na rin ang PNP ukol dito.
Naniniwala si Soltes na gawa-gawa lamang ito at pananakot lamang ang motibo.
Panawagan ni Konsehal Soltes sa nagpost ng naturang maling impormasyon sa Social Media na e-takedown na ito upang huwag ng pagmulan ng takot ng mga residente.