Editors Pick

Umano’y monopolyo sa electric utilities, pinaaaksyunan sa Kamara

Nagbabala ang isang grupo ng mga consumer na ang mataas na singil sa kuryente ang balakid sa isinusulong na kampanya ng Marcos administration na Bagong Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Rodolfo Javellana Jr, presidente ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) kasunod ng panibagong 57-centavo kada kilowatt hour na power rate increase na inanunsyo ng MERALCO.

Iginiit ni Javellana na ang mataas na singil sa kuryente lalo na sa mga MERALCO service area na kabuuang 75 percent ng ekonomiya ang pangunahing hadlang sa pagsisikap ng pamahalaan na makakuha ng investors.

Hindi aniya makakamit ang Bagong Pilipinas kung hindi mareresolba ang pagiging mahal ng electricity rates.

Iminungkahi ng consumer group sa Kongreso na ipawalang bisa na lamang ang mga batas na nagbibigay daan umano sa monopolya sa electric utilities.

Dapat umanong rebisahin na ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA of 2001 upang mapababa na ang cost of electricity sa bansa.

Una nang inanunsyo ng MERALCO ang pagkakaroon ng 57-centavo na taas singil upang mabawi ang 45-centavo per kwh na pagtaas sa generation costs na nagsimula nitong Enero.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Kamara sa akusasyon ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez na diumano’y franchise abuse ng MERALCO.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Construction worker, timbog sa buy-bust ops sa Tabaco City; P2.8M na halaga ng shabu, nasamsam

LEGAZPI CITY - Aabot sa P2.8M na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng…

9 mins ago

Awra Briguela, humingi ng tawad sa mga taong naapektuhan sa insidenteng kinasangkutan niya

Naglabas ng open letter ang dating child star na si Awra Briguela hinggil sa mga…

12 mins ago

Pag-angkat ng asukal, inirekomenda ng PSAC-ASG kay Pangulong Marcos

Ginanap kahapon ang ika-6th meeting sa Palasyo ng Malacañang ng Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector…

16 mins ago

Problemang nakita ng COA sa ₱50-million evacuation facility in Naga City, patapos nang ayusin- LGU

NAGA CITY- May leak ang palikuran, madulas ang sahig at may problema sa roofing. Ilan…

46 mins ago

Villarosa maga-file sang MR sa suspension order sini.

Wala pa nabaton sang kampo ni Tangub Punong Barangay Noli Villarosa ang kopya sang suspension…

1 hour ago

Ayuda para sa mga apektado ng El Niño Phenomenon, pinoproseso na- CSWDO

NAGA CITY –Makakatanggap ng kaunting ayuda mula sa Department of Social Welfare and  Development ang…

1 hour ago