Umano’y ‘new wave’ ng text scams – ibinabala ng telco group

Pinag-iingat ng Philippine Chamber of Telecommunication Operators (PCTO) ang publiko hinggil sa bagong wage ng messaging scams na nakararating sa mga subscribers nang hindi man lang dumadaan sa filtering systems.

Sa isang pahayag, hinimok ng PCTO ang industry players at state regulators na magtulungan upang matuldukan ang panlolokong ito.

Ayon kay PCTO president and Globe general counsel Froilan Castelo, nakahanap na rin kasi ng paraan ang mga cybercriminals para malusutan ang online walls na inilagay ng telcos upang maiwasan ang pagkalat ng text scams.

Maliban dito, nagbabala rin ang PCTO kaugnay sa paggamit ng pekeng cell towers na tuma-target naman sa mga subscribers sa isang partikular na lugar.

Sa pamamagitan ng method na ito, nahaharangan ng mga cybercriminals ang cellular signals para makakonek sa mobile numbers – na siyang nagbibigay-daan naman para makapagpadala ng text scams.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *