Umano’y ‘palpak’ na RFID system, nakatakda nang iimbestigahan sa Senado

Labis na ikinabahala ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo ang mga paglipana ng mga reklamo ukol sa matagal nang problema sa Radio Frequency Identification (RFID).

Ito ay matapos makatanggap ang kanyang opisina ng kabila’t kanan na reklamo tungkol sa mga RFID tags na hindi umano nababasa ng scanner dahil sa reader malfunction na nagiging sanhi ng buhul-buhol na traffic sa mga expressway.

Alinsunod nito, inihain na sa Senado ni Tulfo ang Senate Resolution No. 1060 na naglalayong rebyuhin at i-evaluate ang operasyon ng toll expressway at maging pagpapatupad ng cashless o contactless transactions sa mga toll expressway sa Pilipinas.

Anya, layunin din ng gagawing pagdinig na mapagot ang sinuman sa Toll Regulatory Board (TRB) at maging toll expressway operator na mapatutunayang nagkulang.

Samantala, nakatakdang ipatawag ang pagdinig na ito pagkatapos ng Senate recess ngayong Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *