Umano’y pandaraya sa pagpaparehistro ng mga botante para sa BSKE, pinasisiyasat sa Senado

Pinasisiyasat ni Sen. Imee Marcos in aid of legislation sa Senado ang umano’y pandaraya sa pagpaarehistro ng mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre.

Binanggit ng resolusyon na inihain ni Marcos ang isang ulat noong March 2022, kung saan nadiskubre ng Comelec ang 892,627 double registrations para sa 2022 National at Local Elections.

Tiniyak naman ng noo’y Comelec commissioner George Erwin M. Garcia na kakasuhan ang mga double o multiple registrants at iginiit na ang “good faith” ay hindi isang magandang depensa sa mga kaso sa eleksyon.

BInanggit din sa resolusyon ang isang insidente na nagsasangkot sa Barangay Carmona sa Makati City kung saan lumobo ang mga nakarehistrong botante sa 78%.

Ayon kay Marcos, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation,  kinakailangang agarang silipin ang umiiral na mga batas sa kabilang ang Voter’s Registration Act of 1996 at ang mahalagang bahagi ng Omnibus Election Code para madesisyunan at matugunan na ang napakatagal nang mga isyung ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *