Umano’y paniningil ng dagdag na insurance fees sa mga pantalan, pinaiimbesigahan na ng PPA

Nagsimula na ang imbestigasyon ng Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa insidente ng mga pasahero na sinisingilan ng additional fees para sa insurance ports.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na ang mga report na nakalap ng ahensya ay mula sa mga sumbong na natatanggap nila sa kanilang Facebook page.

Nagpaalala si Samonte sa publiko na walang kahit na anong karagdagang insurance charges na kailangang bayaran dahil kasama na ito sa binayaran ng pasahero.

Paliwanag niya, nasa barko na ang nasabing insurance at hindi na dapat sinisingil pa sa mga babyahe sa pantalan.

Panawagan ng ahensya na kung may pagkakataong may naningil ng ganitong insurance, mangyaring magsumbong agad sa kapulisan.//SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *