UN Health agency: Maaari pa ring ibalik ang emergency status sa COVID-19 kung…

Nilinaw ni World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus maaari pa rin umanong ibalik ang emergency status sa COVID-19 kung magbabago ang sitwasyon.

Paliwanag ni Gebreyesus, sa katunayan marami pa rin umanong mga pasyente ang nasa ICU ngayon at nakikipaglaban sa naturang karamdaman.

Subalit panahon na ayon sa WHO official na magkaroon ng transition sa pagmanage ng COVID-19 kasama ang iba pang uri ng mga sakit.

Unang idineklara ang public health emergency of international concern crisis noong January 30, 2020.

Ang deklarasyon ay ilang linggo lamang matapos matukoy sa China ang virus. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *