UN Human Rights Council, inatasan ang Pilipinas na makipag-cooperate sa ICC probe

Hinikayat ng United Nations – Human Rights Council (UNHRC) ang Gobyerno ng Pilipinas na makipag-cooperate sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga alleged ‘crimes against humanity’ sa madugong kampanya laban sa iligal na droga ng nagdaang administrasyon.

Matatandaaang Setyembre nang unang nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra na walang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas dahil mayroon tayong sariling justice system.

Sa bagong ulat na inilabas ng UNHRC, inatasan ang Pilipinas na makipagtulungan sa mga international human rights mechanisms pati na rin ang ICC probe sa war-on-drugs ng Duterte administration.

Sa kanilang 13-pahinang report, sinabi ng UNHRC na hindi sila kumbinsido sa patuloy na pagtanggi ng Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC.

Ikinababahala rin nila ang mga ulat ng umano’y mga extrajudicial killings na posibleng inorder ng mga high-level officials ng pamahalaan.

Matatandaang pinababasura na ni SolGen Guevarra sa ICC ang hiling nito na drug war investigation.
#

RELATED STORIES:

ICC, pinabubuksang muli ang imbestigasyon sa drug war

DoJ, nanindigang may sariling justice system ang bansa

Ilang mga Senador, nanindigang walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *