UN Special Rapporteur ng EJK, inimbitahan ng DOJ na bumisita sa Pilipinas

Pinatunayan ng Department of Justice na pinahahalagahan nito ang karapatang pantao sa Pilipinas.

Ito ang ibininalita ni Justice Secretary Boying Remulla sa katatapos lamang na UN Joint Programme for Human Rights o UNJP ng UN Human Rights Council sa Geneva.

Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ng Kalihim ang imbitasyon ng Pilipinas kay UN Special Rapporteur on extra-judicial summary or arbitrary execution, Morris Tidball-Binz.

Ayon kay Remulla, ito ay para mapataas ang kapasidad ng Pilipinas pagdating sa larangan ng forensic pathology.

Aniya, kulang na kulang daw kasi sa ngayon ang mga foresnic pathologist sa bansa, at ang mayroon lamang sa Pilipinas ay mga medicolegal experts.

Sa ganitong paraan aniya ay mas maiimbestigahan pa ang mga pinaniniwalaang state-sanctioned killings sa bansa.

Inaasahang sa mga unang buwan ng 2023 makararating sa Pilipinas si Tidball-Binz.

Matatandaaang una nang nakumpirma ang pagbisita ng dalawang mga rapportuers sa bansa.

Kabilang na rito sina Special Rapporteur on freedom of expression and opinion Irene Khan; at Special Rapporteur on the sale and sexual exploitation of children, including child prostitution, child pornography, and other child sexual abuse material, Mama Fatima Singhateh.
#

200 mula sa higit 270 mga rekumendasyon ng UN Human Rights Council sa Pilipinas, inaprubahan

Ipinagmalaki ng Deparment of Justice ang pag-tanggap ng Pilipina sa 200 mula sa 279 na mga rekumendasyon na inilatag ng United Nations Human Rights Council.

Sa pulong balitaan, ibinida ni Justice Undersecretary Raul Vasquez ang pag-adopt sa two thirds ng Philippine delagation sa katatapos lamang na UN Joint Programme for Human Rights o UNJP.

Sinabi pa ni Vasquez na ang 79 na hindi tinanggap ng Pilipinas ay hindi rin tuluyang na-defer, ngunit hindi lamang ito in-adopt dahil nakaaapekto ito sa religous beliefs, kultura, at kasarinlan ng mga Pilipino.

Kabilang na sa mga hindi tinanggap ng DOJ ay ang pagsasa-legal ng abortion at divorce.

Paliwanag ni Justice Secretary Boying Remulla, mayroon pa kasing iilang mga rekumendasyon ang UN na hindi pa handang tanggapin at ipatupad dahil sa kultura sa Pilipinas.

Pagdating sa usapin sa abortion, same-sex marriage, at diborsyo – sinabi ni Remulla na hindi ito maaaring ipatupad nang agaran dahil kailangan pa itong dumaan sa masusing pagdedebate sa Kongreso.

Matatandaaang kamakalawa nang kumpirmahin din ni Remulla na isa sa mga recommendations na hindi na-adopt ng Pilipinas ay ang usapin sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression o SOGIE.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *