UN tinawag na ‘suicidal’ ang rocket attack sa palibot ng nuclear plant sa Ukraine

Tinawag na “suicidal” ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres ang pinakahuling artillery at rocket attack sa palibot ng Zaporizhzhia nuclear plant sa central Ukraine.

Sinabi ni Guterrez anumang pag-atake sa nuclear power plants ay mistulang pagpapakamatay.

Kaugnay nito, sinabi ni Guterres na umaasa siyang matitigil na ang mga pag-atake at mabigyan ng access sa planta ang Internation al Atomic Energy Agency.

Ang Zaporizhzhia plant ay matatagpuan sa Dnipro river kung saan bagamat patuloy itong nag-o-operate ay binabaan naman ang capacity nito mula nang makuha ng Russian forces noong Marso.

Samantala, kinumpirma ng Ukriane State energy company na Energoatom na isa sa mga workers ang nasugatan sa Russian shelling sa palibot ng pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.