CAMARINES NORTE- Io-offer na sa Sta Elena Cam Norte College Inc. ang kursong Bachelor of Arts in Psychology para sa una at ikalawang lebel nito
Yan ay matapos bigyan ng Commission on Higher Education ang nasabing paaralan ng permit to operate para sa nasabing kurso alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 7722.
Ayon sa panayam ng Brigada News FM-Daet sa Sta Elena Camarines Norte College Inc., na-issuehan umano sila ng level 1 at Level 2 permit matapos nilang masunod ang hiningi sa kanilang mga requirements.
Epektibo ang nasabing permit to operate para sa Academic Year 2023-2024 at sasailalim sa pagpapawalang-bisa kung ang nasabing institusyon ay nabigong gumana alinsunod sa mga batas ng Republika ng Pilipinas at hindi sumunod sa mga tuntunin at mga regulasyon ng Commission on Higher Education na nauukol sa organisasyon, administrasyon at pangangasiwa ng mga pribadong institusyong mas mataas na edukasyon.
