Unang araw ng National Vaccination Day sa Guinobatan, Albay dinagsa

LEGAZPI CITY – Maagang sinimulan ng Local Government Unit (LGU) Guinobatan ang aktibidad na National Vaccination Day kung saan nagkaroon muna ng motorcade at inikot ang ilang mga barangay sa bayan.

Ito ang inihayag ni Mayor Mayor Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan ng Guinobatan sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Ongjoco, halos dinagsa ang unang araw ng National Vaccination Day ng Bayanihan Bakunahan sa nasabing bayan.

Isinagawa ang pagbabakuna sa Mauraro covered court, Morms High School at Travesia Elementary School.

Natutuwa na rin ang Alkalde dahil sa marami na ang nagnanais na magpabakuna kumpara sa mga nakalipas na buwan na halos iilan lang umano ang pumupunta sa vaccination area.

Target ng LGU na mabakunahan ay dapat nasa 6K individual na katao sa bawat araw upang maabot na ang heird immunity. Sinabi ng opisyal, tinatayang nasa 30% pa lang ang kanilang fully vaccinated sa Guinobatan Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *