Unang biktima ng red tide sa Milagros, Masbate, umabot sa 21

Naiulat ang unang mga biktima ng red tide sa bayan ng Milagros, Masbate.

Sa pahayag ng BFAR-Bicol na natanggap ng Brigada News Sorsogon, aabot sa 21 na inidbidwal, karamihan ay bata, ang naitala na dumanas ng pagkalason o food poisoning dahil sa pagkain ng Capiz shell o Katipay o Tipay (Windowpane oyster) na may scientific name na Placuna Placenta.

Ayon sa chief ng Marine Fisheries Resource Mngt Section ng BFAR-Bicol na si Nonie Enolva, sinabi nito sa Brigada News na nasa ospital pa ang mga biktima subalit lahat nasa maayos nang kalagayan.

Lahat ng biktima ay residente ng Brgy Bangad, Milagros. Sampu dito ay nasa Masbate Provincial Hospital habang ang 11 ay naka-confined sa Milagros RHU.

Agad namang nagdpadala ng team ang Masbate BFAR Provl Field Office para marekober ang mga left-over na shell na kinain ng mga biktima para makakuha ng sample at maisailalim sa laboratory examination.

Muling nagbabala ang pamunuan ng BFAR sa publiko lalo na sa naturang bayan na huwag munang kakain ng mga shellfish.

Mababatid na noong Biyernes, Oktubre 7 nang magpalabas ng red tide bulletin ang BFAR na positibo ang coastal waters ng Milagros, Masbate sa toxic red tide habang nananatiling libre ang lahat ng tatlong monitoring area sa Bicol mula sa nakakalasong red tide na kinabibilangan ng Sorsogon bay, Juag Lagoon sa Matnog at ang baybaying tubig ng Mandaon, Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *