Unang engkwentro sa Bagong Taon, naitala sa Masbate; 5 HPFAs, narekober

Limang high powered firearms (HPFAs) ang narekober ng tropa ng gobyerno matapos ang engkwentro laban sa rebeldeng grupong NPA sa bayan ng Baleno, Masbate.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nag-ugat ang engkwentro matapos na makatanggap ng sumbong ang mga sundalo mula sa mga sibilyan hinggil sa pananakot at pangingikil ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Tatlong barangay na kinabibilangan ng Docol, Baaw at Eastern Capsay ang naapektuhan kung saan ang mga mamamayan dito ay nagsibabaan para maghanap ng ligtas na lugar at ginawa pansamantala na evacuation center ang mga paaralan.

Itinigil din ang klase sa mga apektadong paaralan na malapit sa lugar ng engkwentro.

Nasamsam sa lugar na pinangyarihan ang 5 matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng dalawang M16 rifle, isang M60 machine gun, isang M14 7.62 rifle at isang M4 5.56 rifle, ganoon din ang ibat-ibang bala at mga subersibong dokumentos.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng Commanding Officer ng 96th Infantry (Alab) Battalion na si Lieutenant Colonel Jeffrey S. Bugnosen ang mga mamamayan, at punong bayan sa patuloy na suporta nila sa kampanya ng gobyerno kontra terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *