Unang local cases ng South Africa COVID-19 variant, na-detect sa Thailand

Na-detect ng Thailand ang unang local cases nito ng COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa.

Taglay ng South African variant, na kilala bilang B.1.351 ang mutations na banta sa efficacy ng COVID-19 vaccines base sa resulta ng maraming pag-aaral.

Base sa report ng COVID-19 Network Investigations Alliance, ay unang natukoy ang variant sa tatlong test samples mula sa cluster ng infections na posibleng may kinalaman sa illegal migration sa timog na bahagi ng Thailand.

Sinabi ng alliance na posibleng makaapekto ang variant sa human immunity response mula sa virus, habang binababaan angpagka-epektibo ng mga bakuna.

Nilinaw naman sa report na hindi ibig sabihin nito na hindi na gagana ang mga bakuna.

Na-detect ng Thailand ang South African variant noong February 15 sa isang lalaki na Thai national na naglakbay mula Tanzania, at nalagay sa ilalim ng mandatory quarantine sa kanyang pagdating.

Mababatid na naitala ng Thailand ang nasa 3,052 na bagong kaso at 24 na karagdagang nasawi nitong Sabado na dahilan para pumalo ang kabuoang bilang  ng mga kaso nito sa 126,118 at death toll na nasa 759.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *