Unang pasyente ng monkeypox sa Pilipinas, natapos na ang isolation

Iniulat ng Department of Health (DOH) na natapos na ang 21-araw na isolation ng unang monkeypox patient sa bansa, at wala narin umanong ibang kaso ng naturang virus ang naitala.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, maari nang i-discharge ang 31-taong gulang na pasyente, sa oras na mabigyan ng go-signal ng mga doktor.

Binigyang diin ni Vergeire na sa oras na makalabas na ito, ay ligtas na itong makipag-usap o makihalubilo sa kanyang pamilya o sa lahat.

Maliban dito, magaling narin ang mga lesions ng pasyente.

Sa ngayon, patuloy nalang na binabantayan ang mga close contacts nito, at required parin na kompletuhin ang 21 days quarantine period.

Leave a Reply

Your email address will not be published.