‘Undas’ posibleng maging COVID-19 super spreader event ayon sa DOH

Muling nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging ­COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo ngayong nalalapit na Undas.

Dahil dito, iminungkahi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kailangang parin ang mahigpit na pagsusuot ng face mask ng bawat isa.

Mababatid na sa ngayon, optional nalang ang pagsusuot ng facemask sa mga outdoor settings.

Maliban dito, kailangan din na bakunado na ng kahit unang dose ng booster shot bilang dagdag na proteksyon laban sa virus.

Nabatid na ngayon bumabal pero patuloy parin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kaya malinaw na nananatili parin ang banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *