Undercounting ng PNP sa mga nasasawi sa anti-illegal drugs ops pinuna ng Human Rights Watch

Pinuna ng Human Rights Watch ang Philippine National Police dahil sa anila ay undercounting nito sa bilang ng mga nasasawi sa anti-illegal drug operation sa pagsisimula ng Marcos administration.

Sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na base sa report ng PNP, mayroon lamang 46 na tao ang napatay sa mga anti-drug operations nang magsimula ang Marcos administration noong June 30 pero base monitoring nila, umabot na sa 127 ang naitalang patay mula July 1 hanggang November 7 ngayong taon.

Binigyang diin ni Robertson na dina-downplay ng PNP ang recent killings sa war on drugs sa pamamagitan ng paggigiit na “very minimal” lang ang mga nasasawi.

Dagdag pa nito na kahit pa sabihing totoo ang figure ng PNP, pagiging insensitive pa ring matatawag ang turing ng PNP na minimal lamang ang bilang ng mga nasasawi.

Matatandaan na sa isang forum, sinabi ni PNP chief General Rodolfo Azurin na 46 drug suspect ang napatay sa 18,500 police operations mula nang umupo si Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *