Undisputed Super Welterweight world champion Jermell Charlo nabalian ng kamay

Nabalian ng kamay sa isang sparring session ang Undisputed Super Welterweight world champion na si Jermell Charlo para sa kanyang pinakahihintay at high-stakes na depensa laban sa No.1 contender na si Tim Tszyu.

Dahil sa aksidente ay ipinagpaliban ang laban ng dalawa na nakatakda sa Enero 28, 2023.

Nabali ang kanyang kaliwang kamay sa pagitan ng pinkie at ring fingers at sa  hinlalaki.

Ang 32-taong-gulang na Amerikano ay magha-hand cast para sa susunod na dalawang buwan pagkatapos magpatingin sa dalawang doktor at isang hand specialist sa Houston.

Aniya, excited sana siya sa laban dahil ito ang unang pagkakataon niya para idepensa ang titulo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *