LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol na bumaba ang unemployment rate sa rehiyon nitong buwan ng Enero.
Ayon sa ahensya, nakapagtala na lamang ng 6.6% unemployment rate ang rehiyon sa unang buwan ng taong 2023, kung saan mas mababa ito kung ikukumpara noong Enero 2022 na nasa 7.8%.
Dagdag pa nito, mula sa 92.2% employment rate noong Enero 2022, tumaas ito ng 93.4% ngayong taon sa kaparehong buwan.
Maliban pa rito, kung pag-uusapan umano ang magnitude, ang bilang ng mga employed na indibidwal ay tumaas rin sa 75,000 nitong Enero 2023 o tinatayang nasa 2.27M mula sa 2.20M noong Enero 2022.
Sinabi pa ng tanggapan, para sa underemployed o mga taong naghahanap ng karagdagang trabaho, nakapagtala ito ng 27.2% ngayong Enero 2023, mas mataas kumpara sa 22.6% sa kaparehong peryodo ng nakaraang taon.