Unpaid HEA ng mga health workers – ire-release na bukas

Bukas na agad ire-release ng Department of Budget and Management o DBM ang 27.453 billion pesos na budget para sa Health Emergency Allowance o HEA ng mga health worker.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, pag tupad nila ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos dahil deserve ng mga manggagawa sa health sector ang naturang allowance.

Maaalalang sinabi kahapon ni Health Secretary Ted Herbosa na posibleng mailabas na ng DBM ang budget ngayong taon sa halip na 2025.

Nasa 5 million 39 thousand 926 ang natitirang validated unpaid HEA at 4, 283 ang COVID-19 sickness and death compensation claims ng mga eligible healthcare at non-healthcare workers.

Sa ngayon nakapag release na ang DBM ng 91.283 billion sa DOH para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances mula 2021 hanggang 2023, kung saan 73.2 billion dito ang inilaan para sa HEA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *