Unvaccinated delikado sa Omicron – WHO

Nagbabala ang World Health Organization na mapanganib ang Omicron variant ng Covid-19, lalo na para sa mga hindi pa bakunado laban sa naturang sakit.

Ayon sa WHO, mahigit 15 million na mga kaso na ang naireport sa kanila noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito, may milyon pang mga kaso na hindi na napaulat.

Binigyang diin ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nakita parin na ang “overwhelming majority” ng mga tao na naka-admit sa mga ospital ay hindi bakunado.

Dagdag ni Tedros, bagama’t ang bakuna ay nananatiling very effective sa pagpigil ng death at severe Covid-19 disease, ay hindi naman umano ito lubusang nagpipigil sa transmission, said Tedros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *