UP Diliman officials, tutol sa bid ni Roque na makapasok sa ILC

Tinutulan ng University of the Philippines (UP) -Diliman Executive Committee ang bid ng dating UP faculty member na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magkaroon ng seat sa International Law Commission (ILC).

Ipinunto ng grupo na dahil ito sa “very poor track record” ni Roque sa pagsusulong at pagdipensa sa human rights at rule of law, lalo na sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay nagsisilbi ito bilang miyembro ng Gabinete.

Kabilang sa mga inilista ni Roque bilang kaniyang competencies para sa ILC post ay ang pagtuturo niya ng International Law sa UP College of Law sa Diliman sa loob ng 15 taon.

Naniniwala naman ang UP-Diliman Executive Committee na pwedeng madungisan ang reputasyon ng ILC  kung mapapabila rito si Roque.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *