UP, nanguna sa 4 na eskwelahan sa Pilipinas sa latest world university rankings

Nanguna ang University of the Philippines (UP) sa 4 na eskwelahan sa Pilipinas sa 2023 World University Rankings ng United Kingdom-based higher education information firm na Quacquarelli Symonds.

Pumalo ang UP sa rank 412 kung saan bumaba ito sa dating ika-399th rank noong 2022 at rank 396 noong 2021.

Sumunod ang Ateneo De Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas.

Samantala, nanguna ang Massachusetts Institute of Technology sa global ranking habang ang National University of Singapore naman ang pinakamataas sa Asya. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.