Giniit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat ibalik ang lumang sistema sa University of the Philippines kung saan ang mga mamayan na estudyante ay kailangang magbayad nang buo ng tuition fee.
Ayon kay Sen. Zubiri, maraming mayayaman na gustong pumasok sa UP na kaya namang magbayad.

Sabi pa ng senador, noong 1988 ay pinapatupad sa UP ang Student Tuition Fund Allocation Program kung saan ang tuition fee ay binabase sa yaman ng pamilya ng mag-aaral pero nawala ito nang ipairal ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.
Tinutulan din ng Zubiri, ang suhestiyon ng Department of Finance (DOF) na ang papasa sa national examination ang maaring mabigyan ng free tuition sa kolehiyo.