Update: Shooting incident sa isang Beach wedding sa Manito, Albay

LEGAZPI CITY – Naghihintay pa rin hanggang sa ngayon ang Manito Municipal Police Station sa magiging desisyon ng driver kung ito ay desidido magsampa ng kaso laban sa isang maintenance personnel ng Manito, matapos mabaril ito sa isang beach wedding celebration sa Barangay Hulogan bayan ng Manito Albay.

Ito ang inihayag ng Albay Police Provincial Office sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon sa Albay PPO, nag-ugat ang pamamaril ng suspek na si Eman Belludo sa biktima na si Jeorge Arroz Veloso ay dahil sa pareho lamang itong umaawat sa mga nag-aaway sa kasalan.

Dahil dito nagkaroon din ito ng mainit na pagtatalo at nagkapikonan hanggang sa dumating sa ponto ay binaril ng suspek ang biktima sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang biktima matapos magtamo ng sugat sa kaliwang balikat.

Kung babalikan, binaril ang biktima nitong nakaraang linggo sa Muladbucad Beach Resort ng Barangay Hulugan ng Manito Albay.

Makalipas ang insedente ay boluntaryong sumuko ang suspek sa himpilan ng pulisya matapos ang insedente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.