Milyun-milyon na ang views ng 20-second video ng interview kay Anne Curtis ng isang TikToker sa New York.
Wala kasi itong kamalay-malay na ang random stranger ini-interview niya ay isa palang super sikat na aktres sa Pilipinas.
Nangyari ang ambush interview sa kalsada sa New York, USA.
Naka-all black suit si Anne na may dalang paper bag.
“What’s your name and where are you from?” unang tanong ng TikToker na si Shan Rizwan.
“Anne, the Philippines,” tugon ng It’s TV host.
“So, first question is do you like your job?” sabi ng content creator.
“Yes, I love my job,” sagot ni Anne.
Sundot ni Shan, kung dream job ba ito ni Anne.
“It is my dream job,” sagot ng aktres.
Pangalawang tanong ng influencer: “What is your income?”
“Uhh, it’s pretty personal,” nakangiting sagot ni Anne.
Pangatlong tanong ay kung ano ang kursong kinuha ni Anne sa kolehiyo.
Sagot ni Anne, “I actually did one sem of early education.”
Ang trabaho daw ba ni Anne ay nire-require siyang mag-travel nang madalas?
“Sometimes, yeah,” maiksing sagot ni Anne.
“Do you have your own business, like you sell products?”
“Yes,” sagot ni Anne.
“Is it clothing?” follow up ng influencer.
“No. Makeup,” sagot ni Anne ukol sa kanyang makeup brand.
Kung mukhang walang kamalay-malay ang influencer tungkol sa kanyang kausap, hindi naman makapaniwala ang netizens.
Nagsunod-sunod ang kanilang comments at inilarawan si Anne bilang isa sa pinakatanyag na artista sa Pilipinas.//CA