International

US CDC, inirekomenda sa mga bakunadong indibidwal na magsuot ng masks indoors

Inirekomenda ng health authorities sa mga indibidwal na nakakumpleto ng vaccination laban sa COVID-19 na magsuot ng face masks habang sila ay nasa indoor public places, partikular na sa mga rehiyon na naoobserbahan ang mabilis na pagtaas ng mga kaso.

Iminungkahi rin ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa lahat ng mga estudyante, guro, at staff sa mga paaralan ng kindergarten hanggang 12th grade na magsuot na masks kahit bakunado na sila.

Inihayasg ito ng CDC sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso sa US dahil sa mas nakakahawang Delta variant, na unang nadiskubre sa India.

Ayon kay US President Joe Biden, makakatulong ang increased vaccination at pagsusuot ng face mask para maiwasan ang pagpapatupad ng pandemic lockdowns, shutdowns, at school closures na unang hinarap ng kanilang bansa noong 2020.

Inihayag ng CDC na 63.4% ng US counties ay nakitaan ng mataas na transmission rates na sapat na dahilan para ipatupad ang indoor masking.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago