US CDC, kinumpirma na may local transmission ang monkeypox

Kinumpirma ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na may local transmission ang virus na monkeypox.

Ayon kay CDC staff member Dr. Agam Rao, hindi lang umano ito nakukuha sa intimate contact kundi sa mga close contact kung saan maaaring makuha ang naturang virus sa gamit ng ibang tao.

Una itong naitala noon sa ilang lugar sa Africa habang ang kasalukuyang outbreak naman ay naitala sa mga bansa na hindi naman ito karaniwang nakikita.

Samantala, naglabas ang CDC ng rekomendasyon kaugnay sa pagamit ng Bavarian Nordic’s BAVA.CO Jynneos vaccine laban sa nasabing sakit. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *